Wednesday, April 25, 2012

TALIM


KABANATA 1

Kakaiba ang ihip ng hangin, pilit nitong binubuksan ang mga bintana sa aking kwarto. Madaling araw na at di pa rin ako nakatulog. Anu mang pilit kong pagpikit di pa rin ako makaidlip . . .
Tok, tok, tok . . . “Sino yan?” sagot ko.
Ilang segundo na ang dumaan wala pa ring sagot. Naiinis ako sa mga taong pinaglalaruan ang pinto ng kwarto, kaya dali-dali akong bumangon . . .
 DUGO.
Dugo ang nakaharap ko sa pagbukas ko ng pintuan . . . Puno ng dugo ang pintuan ng kwarto ni Mama!
“Mama, Mama!”
Ayaw bumukas ng pinto! Sinipa ko na ng ilang beses ayaw pa rin.
Maari kayang pinatay si Mama?
Hindi. Hindi maari!

                            

Naaalala ko pa noon nang lumipat kami ng tirahan, nang lumipat kami dito. Sabi ni Mama, dito raw siya lumaki’t nagkamalay. Dito sa San Gabriel.

Ang San Gabriel, ikanga’y liblib raw ng probinsya. Limang kilometro at isa pang bundok ang iyong dadaanan para makarating sa bayan, wala masyadong mamamayan, at wala pa akong ni isa mang naging kaibigan.
Kahit malayo man sa sentro at wala masyadong tindahan, likas naman ang San Gabriel sa mga magagandang pook at sariwa pa ang hangin. Ito ang naging dahilan kung bakit natuto kung mahalin ang San Gabriel, ngunit biglang nag-iba ang simple kong pamumuhay . . .


KABANATA 2

Umuwi ako nang maaga galing eskwela, alas tres ng hapon. Sabi ni Mama matatagalan raw siya ng uwi, si Daddy nama’y nasa Cebu, inaasikaso ang mga papeles namin at si Kuya . . . paminsan-minsan lang yun umuwi nang maaga.
Papauwi na ako sa bahay nang biglang . . .
“Hoy! Akin nga yang dala-dala mo, baon ba yan?”                                                                                                                                                                                                                                                                                                            
Si Stephen na naman. Ang BULLY ng paaralan.
“Wa-wala akong dalang baon”mahinhing kong pag-sagot.
“Sus, alam kong tinatago mo yan, ibigay mo nga!”
“Wala nga sabi eh!”
Hindi naniwala si Stephen, kaya hinila niya ako . . . Umiyak lang ako nang umiyak, walang nagawa. Mahina ako. Di ko kayang patulan si Stephen, kung may kaibigan lang sana ako . . .
POK!
“Araay! Sino yon? Nakakabwesit yun ah, lumabas ka diyan” ungaw ni Stephen.
(walang sagot)
“Hoyyy!!’
 “Hahahaha”
“Sino yun? May tumatawa” sigaw ni Stephen.
“Eh pre, wala naman eh. Nag dedelusyon ka nanaman, hehe” patawang sagot ng kanyang katropa.
HAHAHA. Nagtawanan ang kanyang mga katropa.
Sinuntok ni Stephen ang ala-kalabaw na katawan ng kanyang kaibigan.
“Kung ayaw niyong mabuwag ang grupong ito, tumahimik kayo.”
“Sorry na Stephen, hindi ka naman ma-joke.”
Umalis si Stephen nang padabog. Sumunod ang kanyang barkada at iniwan ako.
Sino kaya yong nagligtas sa akin? Siguro naman magiging kaibigan ko siya, sana magkita kami.


KABANATA 3

Ilang araw na ang lumipas di ko pa rin nakilala ni nakita ang taong nagligtas sa akin.
Matagal ko nang ninanais na pasalamatan siya. Naiinis rin nga ako kasi boses lang niya ang narinig ko at nakalimutan ko pa kung babae o lalaki iyon. Binabalikan ko araw-araw ang lugar kung san pinagtripan ako ni Stephen.
Siguro naman magkikita kami roon.

Nang hapon na iyon pinuntahan ko ang aking mysteryosong tagapagtanggol . . .
Nasa malayo pa man ako, rinig na rinig ko ang boses ng isang lalaki. Lalaki pala ang nagligtas sa akin? Nahiya ako tuloy. Kung sa bagay, makikilala ko na siya.                                                                                  

BOG, BOG,BOG.  Malakas ang dabog ng aking dibdib. Tila may kakaiba akong nararamdaman sa lugar na ito. DI NORMAL. KAKAIBA. MISTERYOSO.
Napatigil ako. Kakaiba ang lamig ng hangin, nagtatayuan ang mga balhibo sa aking katawan.
‘Psst, bata.’
Tumalikod ako, at . . .


KABANATA 4

“Psst”.
Pinisil ko ang aking mukha, nagising ako . . . Para bang panaginip yong aking nakita, o baka naman totoo yun. Siguro namamalik-mata lang talaga ako.
“Psst.”
Lumingon ako at nakita ang isang lalaki na kasing-edad ko.
“Ano ang ginagawa mo dito?” tanong niya.
“I-ikaw ba yong nagtapon ng bato kay Stephen noong nakaraang lingo?” pahiya kong pagbusisa sa batang lalaki.
“Stephen? Ikaw ba yung babaeng umiyak kasi hinila’t kinulit ka niya?”
“A-ako nga yon.”
“Buti naman at may nagligtas sayo. Nasaksihan ko lahat. Patawad kung hindi ako nakatulong.”mahinahon niyang pag-sagot.
“Ibig sabihin di- di ikaw yung nagtanggol?” nadismaya ako.
“Oo. Bakit?”
“Ah wala, ano pala panga—ah, nakita mo kung sinong nagtanggol sa akin?”
“Iyan ang pinagtataka ko, wala akong nakita.”
Parang naniniwala ako sa kanya. Naalala ko tuloy ang wari’y panaginip na parang pangitain, yung kakaiba kong pakiramdam sa lugar na ito . . .
                             
“Ano pala ang pangalan mo?” tanong ng batang lalaki.
“Ang pangalan ko ay –ay (whoooooosh).”                                                                                                                                                                                                                                                                                                                           

“Ikinagagalak kong makilala ka, ako si Rico.”
Sa wakas may kakilala na rin ako. Ngunit magkakaroon na kaya ako ng kaibigan? Sana si Rico na.


KABANATA 5

Nagkita kami ni Rico sa paaralan. Ngayon ko lang siya napansin sa ilang taon kong pag-aaral. Baka naman sa taong ito lang siya lumipat. Nilapitan ko si Rico at kinausap.
“Rico? Dito ka pala nag-aaral?”
“Ah oo. Sa taong ito ako pumasok. Hindi mo talaga ako napansin?”
“Hi-hindi eh.”
“Ah okey. Um, saan ka na room?”
“Sa 3rd floor ako. Ikaw?”
“Sa 2nd floor.”
“Anong year mo Rico?”
“Um, 3rd year na sana ako, kaya lang…”
“Kaya lang??”
“Pinabalik ako ng 2nd year kasi di ko natapos ang kalahati kong semester.’
“Bakit? Ah sorry kung masyado akong matanong.”
“Okey lang  yun. Kailangan ko kasing alagaan si Lolo…At wala na akong panahon para maipagsabay ang dalawa, kaya’t nag-drop na lang ako.”
“Nasaan ang mga magulang mo?”
“Wa-wala na sila.”
“So-sorry. Hindi ko kasi…”
“Hindi mo naman alam. Wag kang mag-alala, okey lang sa akin.”
“Hindi…sorry.”
“Di okey lang.”
Nahiya ako, naaawa at nalulungkot. Di ko inakalang sa musmos na edad ni Rico, namatay na ang kanyang magulang. At ang lolo niya lang ang kanyang naging pamilya. Maswerte ako’t naririyan pa si Mama at Daddy. Kahit wala silang naigulgol na panahon para sa akin, okay lang basta’t nakikita’t nararamdaman ko ang presensya nila.                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                               

*Kriiiing*
Pumasok ako sa klasrum dala-dala ang nakakalungkot na kwento ni Rico.


KABANATA 6

“Pinatay ang Mama’t Papa ko. Nagkagalitan sila sa kapwa nilang negosyante. Tatlong taon pa lang ako ng kinuha ng Panginoon ang aking magulang. Di ko man lang naramdaman ang yakap ng isang ina at ama, di ko naranasan ang alaga ng mga magulang… Maswerte pa rin ako at nandiyan ang aking lolo. Siya ang tumayo kong magulang, kapatid at kaibigan.”
“Ninanais mo bang ipaghiganti ang iyong magulang?”
Kitang-kita ko sa mga mata niya ang bakas ng pighati at pagkabigo.
“Ni kailanman, hindi ko hinangad ang paghigantihan ang sinumang pumatay sa aking magulang. Tinuruan ako ni Lolo na wag magtanim ng sama ng loob ninuman. Hayaan ko ang tama at makatarungang paraan ng Diyos at batas ng tao ang pumarusa sa kanya. Ang hindi ko lang naintindihan ang di pagkatugma-tugma ng dahilan sa kanilang pagkamatay. Ayon sa iba aksidentre raw pero ang pinaniniwalaan ni lolo ang kompetensya sa negosyo.”
“Ano ang sabi ng imbestigasyon ng mga pulis?”
“Sabi ni lolo, murder daw. At ang tinitingnan nilang angulo ang away nga sa negosyo, pero di sila sigurado.”
“Ano? Hanggang ngayon ganyang sagot pa rin ba ang sinasabi ng awtoridad?”
“Sa kasamaang palad, oo.”
“Magtulungan tayo.”
“Bakit?”
“Ang ibig kong sabihin, tutulungan kita.”
“Ha? Para ano pa? Wala ngang magawa ang awtoridad, tayo pa kaya.”
“Wag na nga lang. Ikaw naman Rico may pakipot ka pa.”
“Haha, pakipot talaga? Hindi naman ako babae.”
Gusto ko si Rico. Tahimik, matalino at di ata siya marunong magalit.
Wag kayong OA, ibang “gusto” ang ibig kong sabihin, hindi yong ‘crush2x’.

                                                                                                                                                                                             
KABANATA 7

Pag-usapan natin si Rico.
Rico Eloriaga ang buo niyang pangalan. Ipinanganak siya noong Mayo 23, 1996 sa isang ospital ng isang maliit na bayan.
Ang nakakatuwa hindi ang kanyang magulang ang nagpangalan sa kanya kundi ang doktorang nagpaanak sa kaniyang ina.
Bakit Rico?
Rico ang pangalan ng namatay na anak ng doktora. Ayon sa kanya, kamukhang-kamukha ni Rico ang baby niya.
Kawawa rin naman, ipinangalan sa pumanaw na.
Sa mga panahon ‘nag-labor’ ang kanyang mama, ang teleseryeng ipinalabas sa telebisyon ay yung soap opera na ang starring ay si Rico Yang na namatay rin kinabukasan.
Ang pangalan rin ng ospital ay San Sebastian Enrico Medical Clinic at ang mismong lugar na kinatatatayuan ng ospital ay ang bayan ng San Rico Miguel. Puro pinangalan sa mga pumanaw si Rico.
Destiny ikanga.
Destiny talaga ni Rico ang maging Rico.
Masaya siyang kasama. Tinuturuan niya akong magkumpuni ng iilan sa mga sirang kagamitan, pinapasyalan namin ang bayan, at sinasariwa ang aming kabataan. Hindi ko inakala na magkakaroon pa ako ng isang RICONG matulungin, mabait.
Kakaiba si Rico eh. Hindi lang siya kaibigan o karamay. Para ko na siyang kapamilya. Parang kapatid. . .     


KABANATA 8

Inimbitahan ako ni Rico sa kanilang pamamahay. Sa wakas makikilala ko na ang lolo ni Rico.
“Rico, hindi ba masyadong oa na magpapakilala pa ako, mukha naman tayong magkasintahan nito.”
“Hahaha. Hindi, ganito lang talaga ako. Pinapakilala ko ang mga nagiging kaibigan ko kay Lolo.”
Wow naman. Ipinakikilala pa talaga.
TOK TOK TOK
“Aba apo! May kasama ka, hali kayo, pasok . .pasok iha.”
“Lolo, wag niyong kalimutang suotin ang glasses ninyo. Baka naman magpapasok kayo ng hindi natin kakilala.”                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                   
“Aba apo, alam na alam ko na ikaw ang dumating, kaya hindi na ako nag-aksaya ng panahon na hanapin ang glasses ko.”
“Sige lolo umupo na po kayo at ako ang maghahanap ng glasses niyo.”
“Sige apo, para mag-usap naman kami ng magandang dilag na sinama mo.”
At tinawag pa akong magandang dilag, wala naman  akong kagandahan.                                                                 “Hija, nakuwento ka ni Rico sa akin, at sabi niya masarap ka raw’ng kasama dahil nababahagi niya ang mga kinikimkim niyang damdamin sa mga bagay-bagay, lalung-lalo na ang maagang pagkamatay ng kanyang magulang. Salamat at natutulungan mo ang aking apo.”
“Ah, salamat rin po lolo, kasi napalaki niyo ng maayos ang inyong apo, ang bait-bait niya sa akin.”
“Mabuti naman at nagkakilala kayo. Maari bang malaman kung saan?”
“Doon po malapit sa isang sapa at may bahay sa unahan. Bakit niyo po natatanong?”
“Bakit-ba-bakit doon? Hindi niyo ba nalalaman na. .”
“Lolo, eto na po.”
“A-a-apo, sa-salamat.”
“Lolo? Okay lang po ba kayo?”
“O-o-ookay lang ako apo.”
Sinuot ng lolo ni Rico ang kanyang glasses. Tumalikod sandali at hinarap ako ng biglang. . .
“I-iikaw! Ikaw ang asawa ng taong pumatay sa anak ko!”
“Lolo, hindi po siya ang asawa ni Manuel Rivas.”
“Ma-Manuel Rivas?”
“Oo, siya ang pumatay!”
“Hindi pumapatay daddy ko!”
“Daddy, daddy mo?!”
“Oo. Daddy ko. Hindi siya pumapatay, nasa malayo siya at nagtratrabaho. Hindi ko man siya kasama lagi pero alam ko hindi niya magagawa iyon!”
“Umalis ka. Ayoko makasama ang anak ng isang criminal, umalis ka!”
“Akala ko pa naman kaibigan mo ako Rico! Bakit mo hinuhusgaan na anak ako ng criminal, hindi mo naman kilala ang daddy ko!”
“Siya ang suspek. Siya ang pumatay! Wag mo ng ipagtanggol ang ama mo. Umalis ka na, bago ko pa ikalat ang baho ng tatay mo!Tumakbo ako papalayo, umiyak nang umiyak. Hindi ko akalain na magagawa iyon ni Daddy, pero alam ko’t naniniwala na hindi niya kayang gawin ang manakit ng ibang tao.                                                                                                                                                                                                                     


KABANATA 9

Hindi ko napigilan ang aking emosyon. Napahagulgol ako pauwi. Pumasok ako ng aking kwarto at ikinulong ang sarili.

Tumingin ako sa salamin, tahimik akong humiling na sana’y panaginip na lang ang mga nangyari.
Hindi ko alam kung ano ang gagawin. Dapat ba akong humingi ng tawad kay Rico at sa kanyang lolo? Dapat ko na ba silang iwasan at maglipat-bayan na lang? Kung totoo man ang sinasabi nila, bakit iyon nagawa ni daddy? May alam rin kaya si Mama nito? Si kuya kaya, alam ba rin niya? Pa’no kung napatunayan ni Rico na si daddy nga ang suspek? Ikakalat ba niya?
Pa’no na ang pag-aaral ko, ang kinabukasan at buhay ko?

Ang daming tanong tumatakbo sa aking isipan. 
Ba’t magsasayang pa ako ng oras? Kailangan kong malaman ang katotohanan.
Pero paano? Saan ko sisimulan? Kung magtutulungan na lang kaya kami ni Rico? Wala na akong pakialam kung itataboy niya ako. Kusa na akong lalapit sa kanya. Kailangan niya ang hustisya, kailangan ko ang paliwanag at higit sa lahat kailangan namin ang katotohanan.
Kakausapin ko si Rico. Panginoon tulungan niyo po ako.

Maaga akong dumating sa paaralan kinabukasan.
Hinanap ko si Rico at natagpuan ko siyang mag-isa sa lilim ng puno. Malaki ang kanyang hininga, nag-iindika na siya’y galit o umiiyak. 
BOG BOG BOG
Kinabahan ako. Paano ko ba sisimulan?

“Ba’t andito ka? Sana naman maintindahan mo ako. Wag mo na akong lapitan. Sandali. . . Hihingi ako ng kapatawaran sa mga masasakit na salita kong binitawan kahapon.  At sana’y mahuli na ang sinumang salarin, Daddy mo man o hindi.”
“Rico, patawad rin. Natural lang na ipagtanggol ko ang aking ama. . .”

“Kahit alam mong walang naidudulot na mabuti ang ginawa ng iyong ama?”
“Hindi Rico, wala talaga akong alam. Kaya nga nabigla ako kahapon. Kung totoo man ang sinasabi ninyo, hindi ko aakalain na magagawa sa iyo ng ama ko.”                                                                                                                                                                                                                                                                                                                    

“Huli na. Nakipagkaibigan pa ako sa maling tao. Patawad ulit, pero kailangan mo nang lumayo. Hindi ako magtatanim ng galit sa iyo, basta’t layuan mo lang kami ni lolo.”
Rico hindi pa huli ang lahat! Maari kitang tulungan sa kung sino talaga ang pumatay sa magulang mo. Basta ang gusto ko lang ang mapaliwanagan. Masakit ikulong ang sariling ama, pero kinakailangan. Katotohanan lang ang nais ko Rico. . .Katotohanan.”
Umalis si Rico. At iniwanan niya ako.
Siguro nga wala na talaga akong pag-asa. Siguro hindi ko na malalaman kung sino talaga ang salarin, at hindi ko na maibabalik ang pagkakaibigan namin.
Ang bilis-bilis naman, tinapay na naging bato pa.


KABANATA 10

Tuliro ako ng dumating sa bahay. Hindi ako nakapokus sa diskusyon kanina ng aming guro. Tuloy, napagalitan ako at sinabing tigilan ko daw ang aking pagde-daydream. Hindi kasi nila ako naiintindihan. Hindi nila alam ang dala-dala kong bigat ngayon. Lalung-lalo na’t puno ng kalungkutan at problema ang puso ko’t isipan.

Lagi ko nang ginagawa ang magmukmok at ikulong ang sarili sa kwarto kapag may problema. Ng gabing iyon, isinara ko ang pinto’t bintana.
Gusto ko na sanang matulog pero maraming bumabagabag sa akin. Mahirap ipikit ang aking mga mata, takot kasi ang nararamdaman ko ngayon.

Kakaiba ang ihip ng hangin, pilit nitong binubuksan ang mga bintana sa aking kwarto. Madaling araw na at di pa rin ako nakatulog. Anumang pilit kong pagpikit di pa rin ako makaidlip . . .
Tok, tok, tok . . . “Sino yan?” sagot ko.
Ilang segundo na ang dumaan wala pa ring sagot. Naiinis ako sa mga taong pinaglalaruan ang pinto ng kwarto, kaya dali-dali akong bumangon . . .
DUGO.
Dugo ang nakaharap ko sa pagbukas ko ng pintuan . . . Puno ng dugo ang pintuan ng kwarto ni Mama!
“Mama, Mama!”
Ayaw bumukas ng pinto! Sinipa ko na ng ilang beses ayaw pa rin.
Maari kayang pinatay si Mama?
Hindi. Hindi maari!                                                                                                                                                          

Siyempre hinanap ko ang mga susi ng mga kwarto. Bumaba ako ng kusina, binuksan lahat ng maaring paglagyan nito . . . Sa aking paghahanap nakita ko ang nakababad na PATALIM.
Puno ng dugo.
Sino, sino kaya ang dumating . . .
“Nabigla ka ba?”

RICO!
“Kamusta aking kaibigan? Matagal-tagal na rin tayong hindi nagkausap nang matino, hindi ba?”
“Rico, ano to? Ba’t andito ka? Anong ginawa mo? Ha?”
“Simple lang naman . . . Binibisita lang kita, bago ako umalis. O di kaya bago ka magpaalam?”
“Tigilan mong kahibangang ito! Rico, nababaliw kana! Hindi na ikaw ang Ricong kilala ko!”
“Hindi mo naman talaga ako kilala eh. Buwan lang tayong nagkasama’t naging magkaibigan pero di yan nagpapahiwatig na kilala mo na ang buong pagkatao ko. Surprise! Kaharap mo ang tunay na Rico.”
“Akala ko ba tinuruan ka ng lolo mo ng hindi magtatanim ng galit ninuman?”
“At sinabi ko bang isinapuso ko?”
“Walang hiya ka Rico, sarili mong lolo, pinagloloko mo.”
“Maiintindihan rin niya ako, masakit ang mawalan ng minamahal. Alam mo ba yun? HA?!”
Tumawa si Rico.
Parang isang tawa ng kriminal.
 “Ano ang ginawa mo sa patalim na iyan, ba’t puno ng dugo, ano ang ginawa mo sa taas? Sumagot ka!”
“Gusto mo talagang malaman ha?!”
“Oo RICO, OO!”
“Pinatay ko ang mama at kuya mo! Magkasama sila ngayon sa kwarto, nakahandusay ang duguan nilang katawan! At ikaw, ikaw ang isusunod ko.”

Tumakbo ako, at kumuha ng anumang panangga laban kay Rico at sa patalim kanyang dala-dala.
“Hindi ka makakalayo!”                                                
At nabitiwan ko ang kinuha kong panangga.                                                                                                                                                                                                                                                                                                                       

Hindi ko alam ang gagawin, wala na akong magawa kina kuya’t mama. Walang awa silang pinagsasaksak ni Rico ng sila’y tulog . . . At sinama pa ang kanilang mga katawan sa kwarto ni Mama at Daddy. Kailangan kong iligtas ang aking sarili. Kailangan kong lumayo, kailangan kong sabihan si Daddy. . . Bahala na!

Dali-dali akong umakyat papunta ng kwarto, hinanap ko aking cellphone sa ilalim ng kama, ng biglang . . .
BOG BOG BOG
“Lumabas ka na, alam kong nagtatago ka lang. Isa! Dalawa!  . . .”
Tumatakbo ng mabilis ang aking isipan, wala na akong ibang magawa kundi ang tumalon sa bintana. Maaring mamatay ako sa aking gagawin o makaligtas pero mapipilayan!
“. . .TATLO!”
BAAG! At nasira ang pintuan ng kwarto at tumalon ako!
Ramdam ko ang haplos ng hangin, at BOG. .
Ang sakit! Mabuti’t hindi ako nabagok, pero napilayan naman . . .
Kailangan kong tumakbo papalayo, pero maabutan ako ni Rico, pinilit ko nalang tumayo.
“Araay.”
Nakikita ko na si Rico, nabigla sa nangyari. Tulala. At bigla siyang ngumiti, at bumaba sa hagdan.
Tumakbo nang tumakbo kahit umaaray na ang pilay ko. Pero nakabuntot si Rico. Mahirap na siyang lamangan. Kaya tumakbo ako sa masukal na lugar upang magtago sandali.
WHOOSH WHOOSH
Ang dilim. Hindi ko makita si Rico. Baka nasundan niya ako dito.
“Oh. At nasundan nga kita.”
SI RICO! Bakit parang nababasa niya ang isipan ko?
“May huling salita ka bang ibibilin sa iyong ama?”
Sinampal ko si Rico at tumakbo!
“HAHAHA, masusundan pa rin kita. Pilay ka na, bibigay rin iyan. Mabuti pa’t tapusin na natin to!”
“Hindi! Hindi ako papayag . . .”
 Kinuha ko ang aking cellphone . . . YES! May signal!
Tinawagan ko si Daddy . . . KRING KRIING KRIING
Walang sumasagot! KRING KRIING KRIING. Inend call ko.
“Hindi ka sasagutin ng Daddy mo! HAHAHA.”
“Sasagutin niya ang tawag ko!”
“Hindi nga!”
“SASAGUTIN NIYAA!”
Nag-echo ang sigaw ko . . . Ng biglang . . . KRIING KRING
DADDY!
Sumugod si Rico, ang patalim nakadirekta patungo sa aking puso, umatras ako . . .
“AAHHHHHHHHH!”
Natakot si Rico . . . Nabigla. At tumakbo papalayo.


Nahulog ako sa bangin, duguan at patay na. Namatay ako sa lugar kung san kami nagkita ni Rico.

Ako nga pala si LUCIA. Ang multo ng San Gabriel.